PRANSIYA : PANITIKAN.

 Ang blog na ito ay para sa panawagan ng Carlos Palanca Memorian Awards. Tungkol ito  sa panitikan ng Pransiya. Nakapaloob dito ang kanilang kultura't paniniwala  na hanggang ngayon ay dala-dala at pinapahalagahan  pa rin nila.




Ang Republika ng Pranses o Pransiya ay isa sa malalayang bansa na ating makikita sa kanlurang bahagi  ng kontinental ng  Europa. Ito ay pangatlo sa pinakamalalaking bansa sa Europa at sa European Union.  Ang kabisera nito ay Paris, ang pinakamalaking lungsod at sentro ng kultura a komersyo. Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na 'Francia' na nangangahulugang 'Lupain ng mga Prangko'. 
Noong unang panahon, 'Rhineland' ang tawag sa bansang Pransiya. Pag dating ng Iron Age at Roman Era, tinawag naman itong 'Gaul'.  


Ang Pransiya ay isa sa mga bansang may mayaman na panitikan.  Isa ito sa nagsilbing kanlungan ng kanilang sinaunang tradisyon, kultura, at kaugalian.


Kadalasan, kinakabit ang kultura ng Pransiya sa Paris na sentro nito.  Sumabalit, kung ating titignan, iba iba ito base sa kanilang rehiyon.  Ang kultura ng Pransiya ay naimpluwensyahan ng  Celtic at Gallo Roman Culture. Pati ng Franks, isang tribong German.       
                                                                                                                 


Sinasabi ang malawak na pagkakaiba na nag hiwalay sa bawat lungsod ay nagkaroon ng magkaisang lakas dahil sa digmaang Franco-Russian o ang Una at Ikalawang digmaang pandaigdig. 



Malaki ang pagpapahalaga ng mga Pranses sa kanilang bansa. Karaniwan, nagagalit sila kapag nakakarinig ng mga negatibong bagay na tungkol sa kanilang bayan.  Ang paguugaling ito ang hinahangaan sa kanila ng mga dayuhan lalong lalo na ang mga Amerikano. 

Nagmula sa Pransiya ang ekspresyong "chauvinism" ito ay isang hindi makatwirang paniniwala sa kataasan o pamamayani ng isang pangkat o tao.  Bagaman ang kababaihan ay gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami pa ring naniniwala na pinangungunahan ng kalalakihan ang kultura sa  Pransiya. 

Niyayakap nila ang estilo at sopistipikasyon at ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa pampublikong lugar ay mala-maharlika sila. 


Naniniwala ang mga Pranses sa "egalite" na nangangahulugang pagkakapantay pantay. Kasama ito sa motto ng kanilang bansa na "Liberte, Egalite, Fraternite". Maraming nagsasabi na mas pinaniniwalaan nila ang pagkakapantay-pantay kaysa sa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawang huling salita sa kanilang motto. 

PRANSIYA : KASAYSAYAN.  
Taong 1774 nang maupo sa trono ng Pransiya si Haring Louis XVI. Minana niya ang isang kaharian na pinapatakbo ng makalumang patakaran.  Nagkaroon noon ng ibat ibang antas. Ang 'First State' ay binubuo ng mga pari na namamahala sa buhay pulitika at panlipunan ng kanilang bansa. Ang mga pari ang nagmamay-ari ng ikalimang bahagdan ng buong lupain ng Pransiya. Sila rin ay nagkaroon ng karapatan na mangolekta ng buwis sa mga magsasaka. Sa pangalawang antas naroroon ang mga maharlika.  Sila ang namumuno sa kanilang mga lupain. Habang ang iba ay namumuhay sa kahirapat at kasalatan, sila naman ay namumuhay sa kasaganahan at luho. Ang ikatlong antas ay ang mga simpleng tao, na siyang pinakamarami sa populasyon ng kanilang bansa noon.  Binubuo ito ng mga magsasaka, mangangalakal, manggagawa at mga propesyunal. Damang dama ng pangkat na ito ang kawalan ng katarungan.   Nagkaroon ng pagpupulong noon kasama ang mga kinatawan ng tatlong antas tungkol sa magiging pondo ng kanilang bansa. Iminungkahi ng ikatlong antas na sila ang mamumuno sa pagpupulong upang magkaroon ng pantay pantay na bahagi sa pondo na kanilang matatanggap subalit, hindi pumayag ang una at ikalawang antas.  


Malawak ang naging kaguluhan sa kanilang bansa nang sumugod ang mga tao sa Bastille.
Ang Bastille ay itinayo bilang tugon sa isang banta sa Pransiya.  Ang pagbagsak nito sa pamahalaang monarkiya ay sumisimbolo sa malaking pagbabago o ang pagkawasak ng lumang panahon sa Pransiya.  Isa ito sa mga pangyayaring naganap sa rebolusyong pranses kung saan ipinaglaban na ng mga mamamayan ang kanilang karapatang maging malaya sa hindi makatwirang pamumuno ng monarkal na pamahalaan.  

Nabuo ang Pambansang Asemblea noong 1779. Isa itong kasulatan ng deklarasyon ng karapatan ng mga tao. Ipinahihiwatig nito ang liberal na kaisipan. Nakapaloob dito na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao. 

Ngayon, ang Republika ng Pranses ay isa nang unitaryong semi-pampanguluhan na republika na may matibay na tradisyong demokratiko.


PARNSIYA : WIKA. 

Ang 'French' ay isang wika na nagmula sa bansang Pransiya. Magmula 1992, ito na ang kanilang pangunahing wika.  Taong 1998, naitala ito bilang pang labing-isa sa pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig. Sinasabing ginamit ito ng nasa humigit-kumulang 77 milyon katao (sila ang mga tinatawag na Franchopones) bilang kanilang pangunahing wika at 128 milyon na tayo bilang kanilang pangalawang wika.  Ito rin ang opisyal o pampangasiwaan na wika sa iba't ibang komunidad at samahan katulad ng Unyong Europeo, International Olympic Comittee, Mga Nagkakaisang Bansa at Universal Porsal Union. 
Ito ang pangunahing wika sa Pransiya. Higit dito, gumagamit din sila ng iba pang lingguwahe base sa kanilang kinabibilangan na rehiyon. Tinatayang 3% ng kanilang populasyon ay gumagamit ng wikang German. Nangingibabaw ang wikang ito sa mga tao na nakatirasa kanilang probinsya pati na rin sa maliliit na pangkat ng nagsasalita ng Flemish sa hilagang-silangang bahagi ng kanilang bansa. Arabic naman ang ikatlong wika sa kanilang bansa base sa dami ng gumagamit nito. Italyan ang lingguwahe ng mga tao na nakatira malapit sa hangganan ng Italya at wikang Basko naman ang ginagamit ng mga tao na malapit sa French Spanish Border. Angiba sa kanila ay gumagamit din ng wikang Catalan, Breton (wika ng celtic), Occitan dialects at mga wika mula sa dating kolonya ng Pransiya katulad ng Kabyle at Antillean Creole.

PRANSIYA : RELIHIYON. 

Ang pinakalaganap na relihiyon sa Pransiya ay ang Katoliko. Tinatayang 80% ng kanilang populasyon ang nagsasabi na sila ay katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam (karaniwang relihiyon ng mga dayuhan na galing sa hilagang Africa.) Protestante, at Judaism. 




Isa sa mga kilalang manunulat ng Pransiya ay si Paul Valery. Sinasabing ang pinakamaganda niyang naisulat ay ang La Juene Parque noong 1917.  Ipinganak siya noong 1871 at namatay noong 1945. Ang kanyang likha ay nagkaroon ng malaking ambag sa panitikan ng Pransiya.  Sinasabing umabot na sa isang daan mahigit ang kanyang mga nagawang obra.  Dahil sa kanyang kagalingan sa pag sulat, binansagan siya bilang simbolo ng Pransiya. 




Ito ay isang medyebal na tulang epiko  ng Pransiya 
na pumapatungkol sa laban ng Roncevaux Pass sa panahon ng  pamumuno ni Charlemagne. Sinasabi na ang tula na ito ay isinulat, marahil ng makatang si Turold, sa pagitan ng humigit kumulang 1040-1115 na taon.  Ang tula na ito ay nakasulat sa mga saknong na hindi regular ang haba na kilala bilang 'laisses' Ang bawat linya nito ay naglalamn ng sampung pantig  Ang huling binibigyang diin sa bawat pantig ay ang may parehong tunog ng patinig. Isa ito sa nagpatunay ng kagandahan ng panitikan na mayroon ng Pransiya. 




ANG KUBA NG NOTRE DAME 

Kung panitikan ang paguusapan, hindi mawawala ang nobela. Isa ang "Ang Kuba ng Notre Dame" sa pinakasikat na nobela sa kanilang bansa.  Ang nobelang ito ay naiiba mula sa iba pang uri ng akdang pampanitikan.  Ito ay pumapatungkol sa isang pangit na si Quasimodo na nagkaroon ng pagnanais sa isang magandang dilag na mananayaw na si La Esmeralda. Nakapaloob dito ang ibat ibang kultura at paniniwala ng mga Pranses katulad ng pagdiriwang ng mga mahahalagang bagay isang beses kada isang taon. Isinalin ito sa wikang Filipino ni Willita A. Enjiro. Ang pamagat nito ay tumutukoy sa katedral ng Notre Dame sa Paris na sentro ng Pransiya. 
 



Sa huli, masasabi mo talaga na napakaganda at napakayaman ng panitikan na meron ang Pransiya. Lalo pang nakadagdag sa kagandahan nito ang pagpapahalaga at pagtangkilik ng bawat Pranses sa kanilang sariling kultura't paniniwala.   Malaki rin ang tulong na dala nito, hindi lamang noon kundi hanggang ngayon dahil isa ito sa ating pinagaaralan at sa magiging rason ng ating pagkakaintindihan at pagkakaisa. 

Ang panitikan hindi lamang ng Pransiya kundi pati na rin ng lahat ng bansa sa daigdig ay dapat nating respetuhin,tangkilikin at mahalin. Dapat natin itong ibahagi sa iba upang malaman nila ang kagandahan ng bansa natin. Darating ang araw na ang panitikan ang magiging daan upang tayong lahat ay magkaintindihan at magkaisa.  

 














Comments

Post a Comment